BREEDING GUIDE: Summer Sterile / Summer Infertility



Dumating na naman ang tag-init. share ko lang itong simpleng guide base sa ginagawa ko during summer if magbreed ako.

1. PREPARATION:
Alam naman natin na kadalasan pagsummer na karamihan kung hindi man lahat ng ating mga breeder rabbits ay nakakaranas ng pansamantalang pagkabaog o temporary sterile sa mga buck at temporary barrenness/infertility sa mga doe.
Sa mga buck 90% ang sterile pagganitong summer, sa mga doe 40% chance na makaranas ng temporary barrenness/infertility na nagreresulta sa "false pregnancy" sa ating mga doe.
Pagdumating ang summer ang isa sa mga nakasanayan ko na ginagawa para maprepare o makondisyon ang aking mga breeder ay ang sumusunod:

1. BUCK - naglalagay ako ng Apple Cider Vinegar (Organic Cane Vinegar if walang ACV) since meron itong "POTENT COMBINATION OF VITAMINS" na nakakatulong upang maiwasan ang temporary sterility ng ating buck for 1 month before mating/breeding.
2. DOE - same din nabibigyan siya ng ACV para maboost ang kanyang fertility (meron nagsasabi na magiging mataas ang rate na makapagproduce ng mas madaming "doe" kits sa isang litter 1 month din before breeding.

2. STUD TIMING 
May mga info na nagsasabing "MALABNAW"ang semilya ng mga buck sa tuwing mainit ang panahon, mula 8AM hanggang 7PM. Base sa experience ko (sinimulan ko lang last year 2019) mas mataas ang rate na makakuha/mabuntis ang mga doe na na stud from 8PM onwards kaysa sa mga na stud in the morning, 5AM start.
4 out of 5 na doe ang nabuntis sa mga napa stud ko ng gabi and 1 of 3 naman sa mga napa stud ko ng umaga.

3, STUD INTERVAL
Alam natin na once na nilagay mo si doe sa cage ni buck hindi titigil si buck sa kakasampa hanggang umayaw si doe or yung time na inuupo o inihihiga na lang ni doe ang sarile niya.
Ang nakasanayan ko sa pagpapa stud is nagbibigay ako ng interval ng at least 10-15mins. Omce na successful yung stud tinatanggal ko na si doe sa cage ni buck para makapagpahinga, after 10-15mins saka ko ibabalik si doe para ipa stud ulit. Chances kasi sa paniniwala ko yung mga naipon na semilya is maaring patay na (SPG - base sa tao, yung nag-sago na or naging gulaman na). Same process ulit para sa pang 3 na stud, maari kasi na malabnaw yung semilya sa 2nd stud kaya naniniguro lang.

4. DOE IN HEAT
HIndi ako sumusugal sa pagstud ng "PWEDE NA YAN", i make sure na bago ko pasampahan si doe, reddish or purple na yung pwerta niya para sure na ma-shoot, kasi kung hindi receptive si doe (white to pinkish and pwerta ni doe) mataas ang chances na hindi mashoot ot sa labas lang naiputok ni buck. At the same time masikip at nakaka stress ito kay doe.

Yan lang po muna. Update ko ito once na may maalala ako or may bago akong ginawa para maiwasan ang summer sterile sa mga buck  or temporary infertility sa mga doe.

#DKConejoMiniRabbitry



Comments

Popular posts from this blog

Types of Rabbits

Rabbit Body Language: An Illustrated Guide